Home politics Congressman Na Nanapak Ng Waiter, Handang Tanggapin Ang Kaparusahang Ipapataw Sakanya

Congressman Na Nanapak Ng Waiter, Handang Tanggapin Ang Kaparusahang Ipapataw Sakanya

Humihingi ako ng paumanhin sa ‘yo, kay Christian Kent… kay Christian Kent Alejo, gusto ko lang mag-apologize lalong-lalo na sa ‘yo at sa ‘yong pamilya at ikaw ay aking nasaktan dahil sa nagawa ko.

2708
0

Kamakailan ay nag-viral ang video ng isang Congressman na sumapak sa isang waiter sa Legazpi City. Ang sinasabing congressman ay kinilalang si Ang Probinsyano Party-list representative Alfred Delos Santos.

Sa isang interview ng DZMM kay Delos Santos ay sinabi nitong handa itong harapin ang kahit na anong sanction na ipapataw sakanya ng party-list group.

“I will humbly accept whatever decision you make dito po sa nangyari.”

Posibleng Masibak Sa Pwesto

May posibilidad umano na masibak ito sa pwesto sakaling mapatunayan na nang-abuso nga ito sa waiter na biktima na kinilalang si Christian Kent Alejo. Ang 20-taong gulang na biktima ay nagtatrabaho bilang waiter sa Biggs Diner sa Legazpi City. Nanghingi naman ng kapatawaran ang congressman na personal na nagpunta mismo sa bahay nina Alejo. Aniya,

“Humihingi ako ng paumanhin sa ‘yo, kay Christian Kent… kay Christian Kent Alejo, gusto ko lang mag-apologize lalong-lalo na sa ‘yo at sa ‘yong pamilya at ikaw ay aking nasaktan dahil sa nagawa ko.”

Hindi Napigilang Emosyon

Ayon dito ay hindi lamang nito napigilan ang emosyon noong nangyari ang insidente. Pahayag naman ng Ang Probinsyano party-list spokesman Atty. Joco Sabio,

“We will not tolerate any kind of abuse in our party. We will not hesitate to suspend or even remove Congressman Delos Santos if we establish that this was an unprovoked attack.”

Dagdag pa nito,

“His actions and his decisions are his own and should not reflect on Ang Probinsyano as a party and as an organization.”

Viral Video

Matatandaang nag-viral ang video ng pananapak ni Delos Santos kay Alejo umaga ng July 7 sa isang restawran. Nagsimula umano ang insidente nang dahil sa masama umano ang pagkakatingin ng waiter na si Alejo kay Delos Santos. Dahilan para sapakin nito ang waiter.

Ayon kay Kent, pinigilan umano sya ng pinagtatrabahuan na restawran na magsampa ng demanda dahil regular na customer si Delos Santos. Ganunpaman, hindi ipinagkait na ibigay sa kanya ang kopya ng CCTV footage nang mangyari ang insidente na syang nag-viral sa social media ngayon.

Source: Politiko