Isinusulong ni Senador Robin Padilla ang isang panukalang batas na layong papanagutin ang mga menor de edad na nasasangkot sa malulubhang krimen laban sa kapwa.
Sa ilalim ng panukala, babaguhin ang ilang probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 upang maipagsabay ang rehabilitasyon at pananagutan ng kabataan.
Nakasaad sa panukala na ang mga batang may edad 10 hanggang 17 na masasangkot sa mga karumal-dumal na gawain ay maaari nang papanagutin sa batas at hindi basta-basta makakalusot sa pananagutan.
“Children are more exposed to modern sensibilities and are more predisposed to risk-taking behaviors, as evidenced by the growing number of youth offenders in the country,” paliwanag ng senador
Samantala, ang mga kabataang edad 15 hanggang 18 na paulit-ulit na lumalabag sa batas ngunit hindi naman sangkot sa karumal-dumal na krimen ay sasailalim sa community-based intervention programs bilang bahagi ng kanilang pagsasaayos at pagbabalik-loob sa lipunan.













