Home government Mayor Isko Sa 100K Nyang Sweldo Kada-Buwan: “Basura Nga Kinakain Ko Noong...

Mayor Isko Sa 100K Nyang Sweldo Kada-Buwan: “Basura Nga Kinakain Ko Noong Araw, Magrereklamo Pa Ba Ako?”

Isa na siguro sa maituturing na pinakasimpleng politiko si Mayor Isko Moreno, sa pananalita at sa pananamit, at maging sa kanyang pamumuhay ay nananatiling payak ang bagong mayor ng Maynila.

3391
0

Isa na siguro sa maituturing na pinakasimpleng politiko si Mayor Isko Moreno, sa pananalita at sa pananamit, at maging sa kanyang pamumuhay ay nananatiling payak ang bagong mayor ng Maynila.

KMJS With Mayor Isko
Nitong Hulyo 14, 2019 ay na-feature sa sikat na programang Kapuso Mo Jessica Sojo ang sikat at pinagkakaguluhang mayor ng Maynila, dahil na rin sa mga nakahahangang pagbabago na kanyang ipinatupad sa lungsod ng Maynila.

Sa panayam ni Jessica Sojo kay mayor Isko, naitanong nito kung hindi ba napapagod sa kanyang mga programa, at kung sapat ba ang 100K suweldo ng isang mayor para sa kanya na halos buong araw nagtatrabaho.

Ito ang sagot ni butihing mayor, “basura nga kinakain ko noong araw, magrereklamo pa ba ako sa isandaang libo?”.

Galing Sa Hirap
Hindi naman lingid sa publiko na galing sa hirap si Isko Moreno. Ipinanganak sa Tondo, Manila, sa edad na sampung taon ay nagbabasura na si Isko upang may maipakain sa kumukulong sikmura. Naranasan din niyang kumain ng pagkain na mula sa basura, o yung mga itinapon ng mga restaurant o tinatawag na “pagpag”.

Naging pedicab driver din si Moreno bago siya madiskober ng iisang talent scout habang nagsusugal sa isang lamay. Ito ang dahilan kung kaya’t malapit siya sa masa at kabisado niya ang pulso ng simpleng mga Manilenyo.

Pagbabago Sa Maynila
Sa ngayon ay walang balak tumakbo sa mas mataas na posisyon si Mayor Isko Moreno sa hinaharap. Ayon sa kanya, nais niyang magturo pagkatapos ng panunungkulan niya bilang mayor. Sa mga humihiling na sana’y tumakbo siya, sinabi niyang ang pagpapaganda sa Maynila ang kanyang tanging focus sa ngayon.

Tinatawagan din ni mayor ang lahat ng kanyang mga tagasuporta na tulungan siya sa kanyang mga proyekto sa Maynila, at ipinangako niyang ang kanyang mga magandang nasimulan sa lungsod ay tatapusin niya para sa ikauunlad ng Maynila.

Source: KMJS