Matapos mag-viral ang kritisismo ni VP Inday Sara Duterte sa programa ng PBBM admin na P20 bigas, bumuwelta naman dito ang mga pambato ng administrasyon kanina sa kanilang event sa vote-rich na Pangasinan.
Isa na dito si Abby Binay, na pilit ipinaliwanag ang merkado ng bigas at iba pang bilihin para depensahan ang administrasyon. Hinikayat din ng alkalde ang mga botante na suportahan ang buong Alyansa, at huwag lang siya.













