MAY nadiskubre raw si Bea Alonzo kay Dominic Roque na isa sa mga naging rason kung bakit nagkalamat ang kanilang relasyon.
May kinalaman ito sa personal life ng negosyante at dating aktor na ngayon lang daw nadiskubre ni Bea. Hindi raw kasi akalain ng aktres na may ganu’ng eksena sa buhay ng binata.
Ayon sa isang source, may nalaman daw ang Kapuso actress at content creator patungkol kay Dominic na ikina-shock niya nang bonggang-bongga.
Iba pa ito sa kumakalat ngayon na pera ang pinag-ugatan ng umano’y paghihiwalay nina Bea at Dom, isama pa ang isyu ng prenuptial agreement sa part ng aktres. Ang chika, ayaw daw pumirma ni Dominic ng prenup.
May lumulutang namang chika na hindi nagkasundo ang engaged couple about their wedding.
True nga kaya na gusto ni Bea ng engrandeng wedding habang simple at intimate lang ang type ni Dominic.
May sinabi raw kasi si Dominic sa isang panayam na kahit daw alak lang ang handa ay keribels lang sa kanya. So, ang feeling ng ilang netizens, hindi raw kayang ibigay ng dating aktor ang dream wedding ng kanyang fiancé.
Pero para sa amin, mukhang mas malalim pa nga ang pinag-ugatan ng alleged breakup ng dalawa at feeling namin, hindi kinayang sikmurain ng aktres ang kanyang na-discover about Dom or pwede ring the other way around.
Samantala, magiging busy uli si Bea sa pagsisimula ng taping para sa latest project niya sa GMA, ang thriller-mystery series na “Widow’s War” kasama si Carla Abellana.
Inamin ng Kapuso actress na nakakaramdam din siya ng pressure sa bago niyang serye, pero mas lamang pa rin daw ang excitement.
source: inquirer














