Hihilingin ni Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros kay Senate President Juan Miguel Zubiri na aprubahan at maglabas na ng Warrant of Arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ang development na ito ay kasunod ng tugon ng kampo ni Quiboloy sa Show Cause Order na inilabas ng Senate panel kung saan ipinaliwanag ng abogado ng religious leader kung bakit hindi ito dapat arestuhin ng Senado.
Kamakailan, nagbabala si Sen Risa Hontiveros na muli niyang isa-cite in contempt at ipapaaresto si Pastor Apollo Quiboloy kapag nagpatuloy ito ng pang-iisnab sa subpoena sa kanya para humarap sa pagdinig ng Senado.















