Home government PH, China tension sa Ayungin Shoal ay ilegal at hindi isang aksidente...

PH, China tension sa Ayungin Shoal ay ilegal at hindi isang aksidente o resulta ng “misunderstanding” – DND Sec. Gibo

ang agresibong aksyon ng Tsina sa Ayungin Shoal ay ilegal at hindi isang aksidente o resulta ng “misunderstanding

86
0

Inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro na ang agresibong aksyon ng Tsina sa Ayungin Shoal ay ilegal at hindi isang aksidente o resulta ng “misunderstanding”.

Sa isang press briefing, nagbigay ng joint statement ang DND, National Security Council, at Department of Foreign Affairs na hindi minamaliit ng pamahalaan ang huling insidente sa Ayungin, kung saan nagtamo ng pinsala ang isang tauhan ng Philippine Navy habang nagsasagawa ng rotation and reprovision (RORE) mission sa BRP Sierra Madre.