Home government Canada, nagbaba na ng direktiba sa shipping company na bawiin ang kanilang...

Canada, nagbaba na ng direktiba sa shipping company na bawiin ang kanilang basura sa bansa

Nagbaba na ng direktiba ang pamahalaan ng Canada upang kuhanin pabalik ang tone-tonelada nilang basura na iniwan dito sa Pilipinas.

696
0

Nagbaba na ng direktiba ang pamahalaan ng Canada upang kuhanin pabalik ang tone-tonelada nilang basura na iniwan dito sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa pahayag na inilabas ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, nag-utos na ang Canadian government sa shipping company upang kunin ang kanilang mga basura.

Bagamat hindi binanggit kung kailan eksakto maibabiyahe ang mga basura, umaasa ang Palasyo na mababawi na ito sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na una nang ni-recall ng bansa ang Philippine Ambassador to Canada at mga consul, upang bigyang diin na seryoso ang pamahalaan sa posisyon nitong bawiin ng Canada ang kanilang mga basura sa Pilipinas.

source: Radyo Pilipinas

Comments

comments