Home politics Walang hiya naman kayo kung hindi kayo sasama sa People Power –...

Walang hiya naman kayo kung hindi kayo sasama sa People Power – Samira Gutoc

Walang hiya naman kayo kung hindi kayo sasama sa People Power - Samira Gutoc

3486
0

May panawagan ang Otso Diretso senatorial candidate na si Samira Gutoc sa mga Diehard Duterte Supporter (DDS) na makiisa sa selebrasyon ng ika-33 anibersaryo ng People Power Revolution sa EDSA, Quezon City.

Ito ang sigaw ni Gutoc sa harap ng mga tao na nagtipon sa People Power Monument sa EDSA, “Hoy, mga DDS, sumama na kayo dito sa People Power. Pilipino din kayo, tao din kayo, babae din kayo, may ina din kayo.”

Aniya, “walang hiya” umano ang mga DDS kung sasabihin ng mga ito na hindi sumasama dahil hindi iyon pang-DDS.

“Walang hiya naman kayo kung sasabihin niyo na hindi ito pang-DDS kaya hindi kayo sumasama. Isa-puso natin ang mensahe ng People Power: Walang maliit,” sigaw ni Gutoc.


Hindi rin pinalampas na batikusin ni Gutoc ang war on drugs campaign ng administrasyong Duterte.

“Sa bawat namatay sa tokhang niyo, Presidente Duterte, sana hindi kayo magigising sa iyak ng isang ina na hindi mo man lang binisita dahil namatay (ang anak) sa tokhang mo,” dagdag ni Gutoc.

source

Comments

comments