Masyadong nababahala ang UN International Children’s Emergency Fund (UNICEF) sa plano ng House of Representatives na ibaba ang minimum age of criminal responsibility sa 9 years old.
Sa isang pahayag ni UNICEF Philippines representative Lotta Sylwander, ang planong ito ng House of Representatives ay labag sa karapatan ng mga bata.
Ang utak ng isang tao ay nagiging mature lamang kapag tumuntong na sya ng 16 years old. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga bata ay di pa kayang magkontrol ng impulse at reasoning.
Kung naniniwala ang ilang mambabatas na kaya ng mag-discern ng isang 9 years old na bata, bakit ang legal age sa pag-aasawa, pagpasok sa mga kontrata, at pagtatrabaho ay 18 years old?
Hindi pa nga naabot ng isang 9 years old na bata ang puberty. Hindi pa developed ang kanyang utak para maintindihan ang consequences ng kanyang ginawa.
Matatandaang ibig ng House Committee on Justice na ibaba ang age of criminal responsibility mula 15 years old sa 9 years old.
Ayon sa Juvenile Justice Law of 2006, ang mga may edad 15 years old hanggang 18 years old ay pwedeng mabilanggo sa youth centers at sumailalim sa rehabilitation programs.
Samantala, ang sinumang hindi pa umabot ng 15 years old ay walang criminal liability, ngunit sasailalim sa intervention.
Ayon sa UNICEF, kulang ang ebidensya at datos na responsable ang mga bata sa pagtaas ng crime rates sa Pilipinas.
Hindi naman mapipigilan ng pagbaba ng age of criminal responsibility ang mga matatanda na abusuhin ang mga bata para gumawa ng krimen.
Bilang signatory ng UN Convention on the Rights of the Child, pinaalalahanan ng UNICEF ang rehimeng Duterte na may obligasyon ito na siguraduhin na lumaki ang mga bata sa isang ligtas na environment at maprotektahan sa krimen at karahasan.
Violence against children ang planong pagbaba ng age of criminal responsibility.
Source:
GMA News. (2019, January 18). UNICEF: If 9 is age of discernment, then why is the legal age to enter contract, get married at 18?
Retrieved from GMA News: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/681964/unicef-if-9-is-age-of-discernment-then-why-is-the-legal-age-to-enter-contract-get-married-at-18/story/