Home government Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque

Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque

Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte - Harry Roque

3434
0

Hindi na itinanggi pa ni Presidential Spokesman Harry Roque na maaaring mag sanib pwersa ang samahang komunista na NPA (Philippines-New People’s Army) at ang Simbahang Katoliko para mapababa sa pwesto si Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Roque mula ng maupo bilang Presidente ng bansa si Pangulong Duterte ay wala ng tigil ang simbahan sa pag batikos sa kasalukuyang Administrasyon at hanggang ngayon ay hindi pa umano matanggap ng Simbahan na natalo ang kanilang kandidato.

Dagdag din ni Roque na hindi din mawawala ang ambisyon ng mga komunistang NPA para pabagsakin ang kasalukuyang Administrasyon Ngunit ayon din kay Roque hanggang panaginip na lamang ang ambisyon na ito ng grupo ni CPP founding chairman Jose Maria Sison.

ALSO READ: Bishop David to drug war killers, supporters: Your names are written in Hell!

“Alam n’yo naman talaga ‘yung patutsada ng Simbahan, eh nagsimula naman ‘yon nu’ng natalo ‘yung kandidato nila noong eleksyon. Tapatan na, Kristiyano naman tayo, bakit pa tayo magpapaligoy-ligoy. Marami po talaga sa Simbahan hindi matanggap na ‘yung kandidato nila talunan.

“So talagang sa kanila, kahit ano pang mangyari baka marami nga sa kanila eh hindi nila tatanggapin si Presidente. Kaya nga hindi malayo na magkaisa ‘yung ilan sa kanila diyan sa CPP-NPA na patalsikin si Presidente Duterte. Pero ‘yan po ay panaginip. Dahil ang Presidente po, unang-una ay nanalo po ‘yan na walang daya. Marami nga nagsasabi baka mas marami pang boto pero wala pong kaduda-duda ang mandato na binigay kay Pangulong Duterte. At nasa Biblia po ‘yan, kailangan respetuhin ‘yung mga pinili ng taumbayan,” ani Roque.

Sinabi pa ng tagapagsalita na sa kabila ng mga birada ng ilang pari, magpapatuloy ang dayalogo ng four-man panel sa Simbahan at sa ilan pang religious organizations.

Ipaparating aniya nito kay Pangulong Duterte ang mga napag-usapan nila ni Papal Nuncio Archbishop Gabriele Giordano noong Biyernes sa selebrasyon ng Papal Day.

ALSO READ: Bishop David to drug war killers, supporters: Your names are written in Hell!

Sinabi naman ni Special Assistant to the President Bong Go na itinakda na sa susunod na linggo ang one-on-one dialogue nina Pangulong Duterte at Catholic Bishop of the Philippines (CBCP) President at Davao Archbishop Romulo Valles matapos itong igiit ng mga opisyal ng Simbahan.

Source : Abante

Comments

comments