Dahil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa kanyang pagbibitiw sa pagka-pangulo at sa pag sambit nito na si dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sen. Chiz Escudero ang ibig nya na pumalit sa kanya sa pwesto.
Agad naman itong inalmahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino na dapat sumunod si Pangulong Duterte sa konstitusyon na kapag nag bitiw ang Pangulo na dapat ang papalit ay ang bise-presidente nito.
ALSO READ: Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque
Malaki ang tiwala ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sapat ang kakayahan ni Vice President Leni Robredo na mamuno sa bansa.
“I’m very confident that she can lead the country and siguro, more importantly, imbes na opinyon ko e ‘yung opinyon ng mga bumoto sa kaniya. Sa sistema natin, ang karapatan ay nagmumula sa mandating ipinagkakaloob sa atin,” pahayag ni Aquino.
Bilang lider ng bansa, sinabi ni Aquino na si Duterte ang dapat manguna sa pagpapatupad sa nakatadhana sa Konstitusyon.
ALSO READ: Simbahan at NPA, maaring magsanib pwersa para patalsikin si Duterte – Roque
“Sana iyung Chief Executive na nagpapatupad ng lahat ng ating batas, isa na ang Saligang Batas, ang magsabi ng constitutional succession. Iwan na lang dun kaysa iwan sa personalities,” pahayag pa ng dating pangulo.
“Kung aalis siya (Duterte), sino ba ang uupo bilang chief executive ng bansa? Ano ang mandato ng Constitution?” dagdag ni Aquino.
Source: Abante