Home government Pondo ng Maynila, inubos ng administrasyon ni Erap at nag-iwan pa ng...

Pondo ng Maynila, inubos ng administrasyon ni Erap at nag-iwan pa ng P4.3 billion na utang.

Ayon sa Commission on Audit o COA, mayroong cash deficit o pagkukulang sa budget ngayong taon na P4,390,000,000 ang Maynila dahil technically ay nagastos na ang natitirang P5 billion na pera sa general fund ng Maynila. 

2202
1

Puna pa ng COA, gumastos na ang Maynila na kung saan eh hindi pa naman nito nakokolekta ang pera. Gumastos ang Maynila sa perang wala pa sa kanya at ang perang ginastos ay kinukuha sa budget na di naman nakalaan para sa kanya. Ito ay malinaw na paglabaag sa Local Government Code.

Matatandaang ibinida noon ni Erap Estrada na nabayaran na daw niya ang utang ng Maynila na iniwan ni dating Mayor Fred Lim, at bago bumaba sa pwesto si Erap bilang Mayor ng Maynila, ibinida din nya na mayroon siyang maiiwan na P14 billion sa kaban ng Maynila para sa papasok na bagong administrasyon.

Ngunit ayon sa lumabas na COA report nitong buwan, bangkarote na ang Maynila at may mga bilyong piso pa itong pagkakautang.

Comments

comments

1 COMMENT

Comments are closed.