Home Religion Lasinggero na magiging santo, ipagpupugay ni Pope Francis

Lasinggero na magiging santo, ipagpupugay ni Pope Francis

Lasinggero na magiging santo, ipagpupugay ni Pope Francis

1442
0

Vatican – Nakatakdang magbigay pugay si Pope Francis sa isang yumaong lalaki na dating lasinggero na ngayon ay nasa proseso ng pagiging santo.

Dadasalan ni Pope Francis ang mga relika ni Matt Talbot, namatay noong 1925 at minsan na ring tinawag na “Holy Drinker”.

Si Talbot ay kilala bilang patron ng mga nahihirapang kumawala sa bisyo ng alak.

Nagsimula ang sobrang pag-iinom ni Talbot sa edad 12 noong nagtrabaho siya para sa isang tindahan ng alak.

Sa sobrang pagkahumaling ni Talbot sa alak, ibinenta pa niya noon ang kanyang bota para lang maka-order ng isang pint ng alak sa isang pub, ayon sa ulat.

Gayunpaman, sa tulong ng isang pari, nangako si Talbot na talikuran ang kanyang pagiging lasenggo sa edad na 28 at huwag tumikim kahit isang patak.

Simula noon naging mananampalataya si Talbot, laging dumadalo sa Misa, nagpepenitensiya at ikinampanya na rin ang temperance o pagpipigil.

Sa tulong naman ng isang propesor ng pilosopiya, binasa ni Talbot ang bibliya at mga sulatin ng mga santo at kalauna’y naging miyembro ng brotherhood ng mga Franciscan.

Ipinangalanan sa kanya ang isa sa mga tulay sa Ilog Liffey, at maraming klinika sa mundo na tumutulong sa mga may adiksyon. Nakatayo rin ang isang estatwa ni Talbot malapit sa naturang tulay.

“Never go too hard on the man who can’t give up drink. It is as hard to give up drink as it is to raise the dead to life again,” ayon kay Talbot.

Inatake sa puso si Talbot noong 1925 sa edad na 69.

Nagsimula nga ito at noong 1975, nag-isyu si Pope Paul ng kautusan para kilalanin ang “heroic virtues” ni Talbot, na nagbibigay sa kanya ng titulong “venerable,” isa sa mga unang hakbang na maaaring humantong sa pagiging santo.

Para umusad ang pagiging santo ng isang tao, kailangang kilalanin ng Iglesia Katolika ang isang himala mula kay Talbot.

source: remate.ph

Comments

comments