Sa kalalabas lang na listahan ng job review site na Glassdor, ng mga kompanyang tumatanggap ng mga aplikante kahit hindi nakatapak ng kolehiyo, pasok dito ang malalaking kompanya gaya ng Apple, Google, at IBM.
Sa madaling salita, ang labanan ay ang karanasan at galing na swak dapat sa trabahong gustong pasukin ng aplikante.
“Academic qualifications will still be taken into account and indeed remain an important consideration when assessing candidates as a whole, but will no longer act as a barrier to getting a foot in the door,” paliwanag ni Maggie Stilwell, Ernst and Young’s managing partner for talent.
Nauna nang sinabi ng Google na hindi mahalaga ang college transcripts at grado sa paaralan para maging batayan sa galing sa trabaho.
Sa IBM, nasa 15% sa kanilang mga empleyado ay walang college degree.
Ayon kay IBM CEO Ginni Rometty, ang mga vocational course o on-the-job experience ay mas mainam kaysa sa apat na taong pag-aaral ng kolehiyo.
Pero hindi ibig sabihin nito, na balewala na ang degree sa kolehiyo.
Binibigyan lang aniya ng pantay na tyansa ang mga taong hindi kayang pumasok ng kolehiyo pero may angking galing na kailangan at hinahanap sa trabaho.
source: remate.ph