Home politics Kabataan Partylist, nasermonan ng mga matatanda: Hindi kayo pag-asa ng bayan, Problema...

Kabataan Partylist, nasermonan ng mga matatanda: Hindi kayo pag-asa ng bayan, Problema kayo ng bayan

Kabataan Partylist, nasermonan ng mga matatanda: Hindi kayo pag-asa ng bayan, Problema kayo ng bayan

2704
0

Kasabay ng pagsisimula ng paghahain ng certificate of candidacy (COC), kanya-kanyang protesta naman ang isinagawa ng mga supporters ng mga kandidato.

Sa paghahain ng COC ng Kabataan Party-list sa pangunguna ni Representative Sarah Elago, batikos rin ang natanggap ng mga ito mula sa mga ibang supporters ng ibang kampo.

Habang dumating sa sa tanggapan ng Commission on Election ang Kabataan Party-list, sumisingaw sila ng “kabataan, pag-asa ng bayan.”

Sermon ang inabot nila sa mga nanay na nagproprotesta din sa labas.

May isang matapang na nanay na naglabas ng saloobin sa mga kabataang sumasali sa rally.

Saad ni Nanay, “Ang mga kabataan ba ang pag-asa ng bayan?”

Galit na galit si Nanay na sinasabihan ang mga kabataan. Ayon sa kanya, aksaya lang sa oras at walang saysay ang ipinaglalaban nila.

“Pag-asa ba sa bayan itong mga kabataang ito na nagrarally sa gitna ng kalsada na walang katuturan? Anong ipinaglalaban ninyo? Sinasayang ninyo ang tuition sa inyo. Libreng pagpapaaral, pagmalasakitan naman sana ninyo iyon.”

“Nakakahiya kayo sa konting halaga. Ipinagbili ninyo ang inyong dignidad,” saad ni Nanay.

Saad ni Nanay ay kawawa umano ang mga magulang nga mga kabataang nagrarally dahil habang nagpapakahirap ang mga magulang ay ito naman ang ginagawa ng kanilang mga anak.

Bwelta ulit ni Nanay, “Magbagong buhay na kayo. Hindi kayo ang pag-asa ng bayan.”

Kahit ang ilang Nanay ay hindi rin napigilan ang kanilang emosyon. Nagtatalak si Nanay habang sinesermonan ang mga kabataang nandoon na may mga dala pang mga placards.

Para sa mga kabataang partylist, ipinaglalaban umano nila ang libreng edukasyon at pagbabago sa politika.

“Hindi kayo pag-asa ng bayan. Problema pa kayo ng bayan.”

Dagdag pa ni Nanay ay dapat daw tanggalan ng scholarships ang mga kabataang aktibista.

Sumang-ayon naman ang mga netizens sa mga paratang ng mga Nanay sa mga kabataan. Para sa mga netizens, sinasayang lang ng mga kabataan ang libreng edukasyon kung puro rally lang namang ang inaatupag ng mga ito.

[the_ad_placement id=”content”]

Imbes na pag-aaral umano ang inuuna, ay ang pag-aalsa pa sa gobyerno ang inaatupag.

Saad rin nila ay na-impluwensyahan umano ng mga dilawan ang mga kabataan kung kaya ganoon na lamang sila.

panoorin ang video:

source

Comments

comments