Home government Duterte Effect: Mga Hospital Emergency Room nilangaw ngayong bagong taon

Duterte Effect: Mga Hospital Emergency Room nilangaw ngayong bagong taon

Duterte Effect: Mga Hospital Emergency Room nilangaw ngayong bagong taon

2631
0
photo from inquirer

Bumaba sa 68% ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok kumpara sa nakaraang taon.

Malaki ang ibinaba ng bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa tala ng Department of Health (DOH).

Kung noon ay bibihirang nakakasama ang mga tauhan ng ospital sa kasiyahan ng pagsalubong sa Bagong Taon, sa pagpasok ng 2019 ay nakapag-countdown at nakapagsindi pa ng pailaw sa labas ng ospital ang ilang staff ng East Avenue Medical Center.

Ngayong taon kasi, mabibilang lang sa sampung daliri ang mga kaso ng sugatan dahil sa paputok na isinugod sa kanilang ospital.

Sa Jose Reyes Memorial medical center naman, 24 ang bilang ng mga naisugod dahil sa paputok.

Isa ang kinailangang putulan ng daliri habang isa naman ang kinailangang putulin ang buong kaliwang kamay.

[the_ad_placement id=”content”]

Gayunpaman, ayon sa Department of Health (DOH), malayo pa rin ang numero kung ikukumpara sa mga sugatan noong isang taon.

source read more at abs-cbn

Comments

comments