Home government Pari, arestado dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

Pari, arestado dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

Pari, arestado dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Bacoor, Cavite

1866
0

Himas-rehas ang isang pari at isa pang lalaki matapos silang mabilhan ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Ayon kay SPO1 Christian Rosales, nagkasa ng operasyon ang mga tauhan ng Bacoor City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa paring kinilala na si Bishop Richard Alcantara alyas ‘Perling’ sa Tagumpay Compound, Tabing Dagat, Barangay Alima.

Kasama sa drugs watch list ng pulisya ang naarestong pari, ayon kay Bacoor City Police chief P/Supt Vicente Cabatigan na aniya tatlong buwan nilang minanmanan.

Sa ikinasang operasyon ay nabilhan ng P200 halaga ng shabu ang target na pari kaya’t agad itong inaresto kasama ang isa pa niyang kasabwat na si alyas ‘Nanding’.

Narekober ng mga operatiba sa dalawa ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P3,400.

Paglilinaw naman ng Cavite Police, hindi miyembro ng Roman Catholic Church si Alcantara na aniya kilalang tulak ng iligal na droga sa naturang barangay.

Ang nahuling pari ay na-ordain sa Holy Family Catholic Church sa Imus, kasalukuyang miyembro ng Sacred Order of St. Michael, at dating miyembro ng Catholic Church for England and Wales.

Nilinaw din ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang nadakip na pari sa drug buy-bust operation sa Bacoor, Cavite ay hindi pari ng Simbahang Katolika.

WATCH: A BISHOP AND HIS COHORT WERE ARRESTED DURING A DRUG OPERATION CONDUCTED BY THE AUTHORITIES IN BACOOR, CAVITE

source