Home government Trillanes, pagpapaliwanagin ni Senator Go sa Bikoy videos sa gagawing Senate inquiry

Trillanes, pagpapaliwanagin ni Senator Go sa Bikoy videos sa gagawing Senate inquiry

Hihintayin muna ni Senator Bong Go ang pagbuo ng Department of Justice (DOJ) ng investigating team panel bago magkomento sa isyu ng pagkakasangkot sa Ang totoong Narcolist ni Bikoy.

1282
0

Manila, Philippines – Hihintayin muna ni Senator Bong Go ang pagbuo ng Department of Justice (DOJ) ng investigating team panel bago magkomento sa isyu ng pagkakasangkot sa Ang totoong Narcolist ni Bikoy. Ginawa ng senador ang pahayag sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan sa Barangay 39, Zone 3 Tondo, Maynila, Biyernes ng hapon.

Read the article on remate.ph >

Manila, Philippines – Hihintayin muna ni Senator Bong Go ang pagbuo ng Department of Justice (DOJ) ng investigating team panel bago magkomento sa isyu ng pagkakasangkot sa Ang totoong Narcolist ni Bikoy.

Ginawa ng senador ang pahayag sa kanyang pagbisita sa mga nasunugan sa Barangay 39, Zone 3 Tondo, Maynila, Biyernes ng hapon.

Nais ng senador na mapanagot ang lahat ng nasa likod ng malisyosong video na umatake sa kanyang reputasyon at sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Hustisya lamang po ang hinihingi ko sa pambabastos sakin at sa pamilya. Isipin niyo apat na beses akong naghubad para lamang patunayan na wala akong tattoo”.

Dagdag pa ni Go na hindi lamang iisa ang nasa likod ng nasabing video at ito aniya ay pinondohan upang silang ay masira.

Tiniyak din ni Go na ipapatawag nito si Trillanes sa gagawing Senate inquiry para pagpaliwanagin sa Bikoy videos.

Samantala, sa kanyang pagbisita sa nasunugan, nangako naman ang senador na sasagutin nito ang uniporme ng mga batang naapektuhan, nagbigay din siya ng financial assistance at grocery packs sa 66 pamilya.

Hindi naman aniya ito magsasawang umayuda sa mga nasunugan at sa mga nasasalanta ng bagyo hanggat sa abot ng kanyang makakaya.

—REMATE | Jocelyn Tabangcura-Domenden, July 19, 2019 @ 7:22 PM

Comments

comments