Nakatakdang sampahan ng kasong katiwalian si Vice President Leni Robredo ng isang dating konsehal ng Naga City dahil umano sa madaling pagkasira ng ipinagawang tulay sa Naga na aabot sa P200 milyon ang halaga.
Ayon kay Luis Ortega dating Konsehal ng Naga kasong graft ang nakatakda niyang isampang kaso laban kay Vice Presidente Robredo sa Ombudsman bunsod ng nasirang tulay ng Naga na aabot sa P200 milyon ang halaga na pinondohan umano ng tanggapan ni Leni Robredo noong siya ay Representative pa ng Naga City.
Sa isang press conference sa Quezon City kaninang umaga Agosto 21, 2018 (Martes) sinabi ni Ortega 81-anyos na bukod sa nasirang tulay ng Naga isasama nya sa kaso laban sa Bise Presidente ang nasirang riprap ng tulay ng Naga City na aabot umano sa P80 milyon halaga na pinondohan din umano sa pondo ni Vice President Robrero noong kongresista pa ito.
Isiniwalat din ni Ortega na talamak din umano ang illegal drugs lungsod ng Naga dahil na rin sa pagsasawalang bahala ng mga local official sa naturang lungsod kung bakit hindi nasasawata ang illegal na droga sa Naga.
Nauna rito sinabi kamakailan ni President Rodrigo Duterte na isang “hotbed” ang Naga o pinagmumulan ng illegal na droga ang Naga na mariin naman pinabulanan ng mga local official sa naturang lungsod.
Isinangkot din ni Ortega ang kapatid ni dating Mayor Jesse Robredo na si “Butch” Robredo na bayaw naman ni Vice President Leni Robredo na dawit umano sa kalakalan ng illegal droga sa Naga City.
Idinagdag pa ni Ortega na dahil sa impluwensya umano ni Butch sa mga local official at awtoridad sa lugar hindi rin mahuli huli si Butch.
Sinikap naman makuha ng sumulat ang panig ng mga taong inaakusahan ng dating Konsehal ng Naga subalit nabigong makuha ang panig ng mga ito.
Idinagdag pa ng dating opisyal ng Naga na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsampa siya ng kaso sa mga Robredo dahil sa sampung taon umano niyang pakikipaglaban sa katiwalian aabot na ito sa 75 kaso ng katiwalian ang kanyang naisampang kaso at 29 sa mga ito ay naibasura ng graft court.
source: remate.ph
(Santi Celario)