Sa programa ng CNN Philippines para sa mga gustong tumakbo bilang senador, sinagot ni Magdalo Congressman Gary Alejano kung ano ang mga nagawa niya para sa bayan. Ayon kay Alejano, muntik na raw siyang namatay sa pakikipag-gyera sa kalaban ng bayan.
“Ako po ay dating sundalo na nakipag-giyera sa kalaban ng estado. Tayo po ay muntik ng mamatay. Nagbabago lamang ang ating larangan ng digmaan, noon kalaban sa estado.
Dahil sa ating desire na magkaroon ng pagbabago, tayo po ay nagprotesta sa gobyerno.
Dahil diyan ay nagnais po tayong maka-impluwensiya ng polisiya sa ating gobyerno, kaya nga sumali tayo sa pulitika.
But it went through a great debate dahil alam ho natin na parang kakainin ho tayo ng sistema, sa persepsiyon ng mga Pilipino ay marumi ito, pero dahil naniniwala tayo sa ipinaglalaban, kami po ay sumali,” sabi ni Alejano.
Diskumpiyado naman ang ilan nating kababayan sa mga lumabas sa bibig ni Alejano.
[the_ad_placement id=”content”]
Ayon sa uploader ng video clip ng CNN na si Ernie Sagabaen De Vera, paanong muntik mamatay, sa hotel pa lang na kinukob daw ng magdalo ay sumuko agad ang mga ito.