Home government Former Defense Sec. Voltaire Gazmin, posibleng makulong

Former Defense Sec. Voltaire Gazmin, posibleng makulong

Former Defense Sec. Voltaire Gazmin, posibleng makulong

3367
0

Malaki ang posibilidad na makulong si dating Defense Sec. Voltaire Gazmin hinggil sa naging papel nito sa pagkakaloob ng amnestiya ng Aquino administration kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi kasi isang simpleng kaso ang usurpation of authority dahil isa itong criminal liability na maaaring ikakulong ng dating Kalihim.

Binigyang-diin ng opisyal na tanging ang Pangulo lamang ang maaring magbigay ng amnesty at wala nang iba pa.

Dahil sa Saligang Batas aniya ay tanging ang Presidente lang ang may kapangyarihan na magbigay ng ganyang amnesty

“Well, ito po ay isang krimen. At ang usurpation po ay kapag merong isang tao na walang otoridad at gaganap siya ng isang katungkulan na hindi naman para sa kanya. So—ito po ay ginamit ni Presidente, kasi ang sinabi nga niya, kung titingnan mo iyong amnesty na pinirmahan para kay Senator Trillanes ay talagang iyong nagbigay ng amnesty sa kanya ay iyong dating Defense Secretary Voltaire Gazmin at hindi iyong Presidente mismo. Binigyan ng otoridad si Voltaire Gazmin na magbigay ng amnesty, pero ang paninindigan ni Presidente, tanging Presidente lamang ang pupuwedeng magbigay ng amnesty,” ang litaniya ni Sec. Roque.

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na sabit sa kasong usurpation of authority ang dating defense chief sa pagkakaloob ng amnesty kay Trillanes.

source: Kris Jose / remate.ph