Home showbiz Vice Ganda nangumpisal: Hindi ko talaga bet agad si Ion, wala kaming...

Vice Ganda nangumpisal: Hindi ko talaga bet agad si Ion, wala kaming spark!

Vice Ganda nangumpisal: Hindi ko talaga bet agad si Ion, wala kaming spark!

196
0
Vice Ganda nangumpisal: Hindi ko talaga bet agad si Ion, wala kaming spark!

Ikinuwento ni Vice Ganda kung paano niya nagustuhan si Ion Perez sa podcast show na “Soundtrip with Jugs & Teddy”.

Lumabas ang report sa isang Facebook account and it is very interesting dahil hindi pa man gusto ng “It’s Showtime” host si Ion ay gusto na ito ng kanyang circle.

“Nakukyutan din ako paunti-unti, pero ‘di ko talaga siya bet agad. Ang pinaka na-in love talaga ako sa kanya, ang bait talaga. ‘Yung buong circle ko, gusto si Ion. Hindi ko pa gusto si Ion talaga, gusto na siya noong buong circle ko,” say ni Vice.

“Wala kaming spark,” pag-amin ng TV host at comedian. “Pero nagugwapuhan ako sa kanya. Alam mo ‘yung nilalandi ko siya kasi siyempre malandi ako, ‘di ba, pero hindi malalim. Hindi agad. Slow burn kumbaga, tapos ang ganda nu’ng pumutok.”

And then nagkaroon ng heart break si Vice Ganda na noong una ay hindi pinapansin si Ion.

“Tapos nu’ng na-hurt ako, sabi ko, ay ‘di ko to deserve. Ang deserve ko talaga, ‘yung mabait, ‘yung matino. Para naman akong tanga, para naman akong gago, dasal ako nang dasal sa Diyos, ‘Lord, bigyan mo naman ako ng mamahalin, bigyan mo naman ako ng magmamahal sa ‘kin.’

“Pero pinipili ko naman ‘yung ‘di ako mahal, ‘yung ‘di naman mabuti sa akin. Tapos ‘eto, ‘yung mabuti nasa harapan ko tapos hindi ko naman pinapansin,” kuwento pa ni Vice Ganda about Ion.

The rest, as they say, is history. Naging magdyowa nga sina Ion at Vice Ganda na nagkakilala sa “It’s Showtime”.

* * *

Kakaibang love story ang “Limited Edition” na tungkol kina Jethro, Arnold and Mario.

It is a romantic drama about finding one’s elusive and everlasting love with a love triangle story arc that gives it more kilig, heartstrings pull, and a fairy-tale like conclusion of who ends up with who.

“What makes him lovable is his innocence and simplicity,” say ni Jomari Angeles about Mario. “Not all of us are born with the right knowledge about life and love right away. He is a hopeless romantic and pag pag nakuha na ang loob niya or ‘pag na-in love na siya bibigay niya ang lahat sa kanyang partner.”

Say naman ni Andrew Gan bilang Jethro, “The most challenging part about being him is how to feel like him, to live in his shoes, and give justice to that feeling of falling in love with another young man. I want to be truthful lalo na pag naramdaman na niya na he is in love with Mario.”

“Well, his only fault is that he fell in love with Mario as well,” declares Ron Angeles who is Arnold. “I should say my being a pambansang third wheel is solidified and becomes a notch higher in this romantic BL drama. Ilalaban ko talaga yung feelings ko for Mario and my character has sincere and pure intentions.

Story by Bernard Umali, written by John Fontanos with Jill Singson Urdaneta as its director, “Limited Edition” is produced by world-famous shoe designer Jojo Bragais, with Michelle Jhoie Ferraris as co-producer. Nagsimula na ito nitong Oct. 2, Saturday, on BRAGAIS TV, an online channel for fun and entertainment for Filipinos.

source: bandera inquirer

Comments

comments