Home Lifestyle Health Sobrang pag-aalala, pwedeng maging malubhang sakit

Sobrang pag-aalala, pwedeng maging malubhang sakit

1814
0

Madalas ka bang mag-alala? Alam mo ba na ang pag-aalala ay nagdudulot ng malaking epekto sa katawan. Kaya naman kapag sobra na, pwedeng mauwi ito sa pagkakaroon ng mataas na level ng anxiety at maaaring maging sanhi ng pagkakasakit.

Normal naman ang pag-aalala lalo na kapag nasa sitwasyon kang nakababahala o may problemang iniisip pero ang labis na pag-aalala ay may malaking epekto sa gana sa pagkain, lifestyle, relationships, pagtulog at pati na rin sa trabaho.

Karamihan ng mga taong sobrang mag-alala ay naghahanap ng outlet na kalimitan ay masama ang epekto sa katawan tulad ng pagkain (overeating), paninigarilyo, paglalasing o pagkalulong sa drugs.

Ang tuloy-tuloy na pagkabalisa ay maaaring maging resulta ng isang disorder tulad ng generalized anxiety disorder, panic disorder o social anxiety ayon sa National Alliance on Mental Illness.

Paano nagiging sakit ang labis na pag-aalala?

Ang labis na pag-aalala at emotional stress ay maaring mag-trigger ng iba’t ibang problema sa kalusugan. Ang fight or flight response sa mga stressful na sitwasyon o pangyayari ay dahilan para mag-release ng stress hormones tulad ng cortisol ang sympathetic nervous system ng iyong katawan. Ang mga hormones na ito ay nagbo-boost ng blood sugar levels at triglycerides (blood fats) na ginagamit na pang-gasolina ng ating katawan. Ang mga hormones na ito ay maaaring maging dahilan din ng ganitong mga kondisyon:

Hirap sa paglunok
Pagkahilo
Panunuyo ng bibig
Mabilis na pagtibok ng puso
Fatigue o pagkapagod
Pananakit ng ulo
Hindi makapag-concentrate
Pagkairita
Pananakit ng muscles
Muscle tension
Pagsusuka
Nervous energy
Mabilis na paghinga
Pangangapos sa paghinga
Pagpapawis
Panginginig

Kung hindi nagagamit ang sobrang fuel sa katawan sa mga physical activities, ang chronic anxiety at sobrang stress hormones ay maaaring maging isang seryosong physical consequence tulad ng mga sumusunod:

Suppression ng immune system
Digestive disorders
Muscle tension
Short-term memory loss
Premature coronary artery disease
Heart attack

Kung hindi magagamot ang mataas na level ng anxiety, maaari itong mapunta sa depression o di kaya’y suicidal thoughts.

Paano ito maiiwasan?

Kumonsulta sa doktor
Mag-exercise araw-araw
Kumain ng healthy
Uminom ng kape in moderation
Matutong mag-relax
Mag-meditate
Patatagin ang social network o relationships
Maging concious sa mga pinag-aalala
Kumonsulta sa isang psychiatrist

Laging tandaan na hindi lang dapat ang pisikal na katawan ang healthy dapat pati ang ating pag-iisip. Hindi lahat ng bagay ay kailangang problemahin dahil nanganganak pa ito ng mas malalang problema. (Remate News Team)

source: remate.ph

Comments

comments